‘NATSU NO DERBY: SUMMER CAMP’ NG MGA TAGAHANGA NG ‘UMA MUSUME,’ GAGANAPIN SA LUNGSOD NG MAYNILA NGAYONG AGOSTO 30

Magiging masigla at puno ng saya ang huling bahagi ng tag-init para sa mga tagahanga ng Uma Musume Pretty Derby sa paghahatid ng Umazing Events PH sa “Natsu no Derby: Summer Camp” ngayong buwan.

Sa pakikipagtulungan ng MX Gaming Grounds, gaganapin ang buong araw na kaganapan ngayong Linggo, Agosto 30, 2026, sa MX Gaming Ground na matatagpuan sa 2nd level ng Brooklyn Warehouse sa Maynila, malapit sa University of the East (UE).

Mga Tampok na Aktibidad sa Event

Maghahatid ang “Natsu no Derby: Summer Camp” ng iba’t ibang kapana-panabik na aktibidad para sa mga lokal na Trainers at pop culture enthusiasts.

Tampok dito ang Cosplay Contest kung saan magpapasiklaban ang mga kalahok sa kani-kanilang summer-themed Uma Musume costumes. Magkakaroon din ng UmaMusume Tournament para sa isang matinding gaming showdown ng mga lokal na Trainers, habang magpapasiklab naman ng live musical at dance numbers ang mga inimbitahang idol cosplayers. Bukod dito, mag-e-enjoy din ang mga bisita sa Bingo Mission Raffle para sa pagkakataong manalo ng mga eksklusibong papremyo.

Event Passes at Exclusive Inclusions

Maaaring makabili ng discounted pass online sa halagang ₱600 sa pamamagitan ng opisyal na Pixel creator portal.

Kabilang sa bawat ₱600 pass ang access sa arcade gaming mula 12:00 PM hanggang 8:00 PM, entry pass sa mismong event venue at sa Warehouse Coffee, opisyal na wristband, event ID badge, at Bingo Mission Raffle Pad. May kasama rin itong libreng drink voucher na nagkakahalaga ng ₱125, UmaMusume sticker pack, eco sando bag, Carrot Ballpen, at eksklusibong Carat Keychain kapag nakumpleto ang mga inihandang event missions.

Para sa karagdagang detalye at mga anunsyo, bisitahin at sundan ang opisyal na social media pages ng Umazing Events PH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *