Magsasama sa isang kakaibang kolaborasyon ang Japanese Vocaloid producer na si SatapanP at ang Canadian artist na si Grimes para sa bagong single na “Miku-Maxxing,” na binigyang-boses ng sikat na virtual singer na si Hatsune Miku.
Bahagi ng Global Project na ‘BEYOND BORDERs’
Ang naturang kanta ang kauna-unahang opisyal na release sa ilalim ng “BEYOND BORDERs,” isang global project ng Japanese company na Dwango na naglalayong palawakin ang kultura ng Vocaloid sa buong mundo. Layunin ng inisyatibong ito na ikonekta ang mga Japanese Vocaloid producers sa mga kilalang Western artists upang maabot ang mas malawak na pandaigdigang tagapakinig.
Inihayag sa Anime Expo at Inaasahang EP
Nangunguna ang “Miku-Maxxing” sa nakatakdang collaborative EP na EMERGE M♡DE MIKU, na nakatakdang ilabas ngayong Setyembre 2026. Unang inihayag ang proyekto sa ginanap na JAPAN MUSIC VOCALOID showcase sa ginanap na Anime Expo sa Los Angeles.
Cyberpunk Music Video at Iba Pang Kolaborasyon
Mapapakinggan na ang single sa mga pangunahing music streaming platforms kasabay ng paglalabas ng opisyal na animated music video nito. Tampok sa video si Hatsune Miku kasama ang kaniyang heroine habang naglalakbay sa isang cyberpunk na mundo na puno ng glitches at low-poly 3D visuals.
Bukod kina SatapanP at Grimes, tampok din sa darating na EMERGE M♡DE MIKU EP ang iba pang mga kilalang international artists at collaborators tulad nina Odetari, George Clanton, Frost Children, jon-YAKITORY, at picco.
