Hindi
pa man natatapos ang matagumpay na TV5 primetime series na “Lumuhod Ka sa
Lupa,” inanunsyo na sa isang Story Conference sa TV5 Media Center ang
pagbabalik primetime TV ni Kiko Estrada na gagampanan ang iconic titular
character na si “Totoy Bato.” Ang istorya nito ay hango sa klasik na pelikula
ni Da King Fernando Poe, Jr., na gawa ng legendary comics creator at film
producer na si Carlo J. Caparas.

Matinding
aksyon at bakbakan ang aasahan ng mga manonood dahil ang karakter ni Kiko ang
magsisilbing tagapagligtas ng Pook Paraiso gamit ang kanyang kamao. Bilang
“Totoy Bato,” makikipagmatigasan si Kiko laban sa mala-pader na
makapangyarihang mga pamilya. Bigatin ang mga makakasama ni Kiko—mga batikan,
at ilan sa magagaling na aktor ngayon.

Kabilang
sa mga bubuo ng “Totoy Bato” sina Bea Binene, Cindy Miranda at Diego Loyzaga,
kasama sina Nonie Buencamino, Mon Confiado, Art Acuña, Mark Anthony Fernandez
at ang beteranang aktres na si Ms. Eula Valdez. May espesyal na partisipasyon
naman sina Joko Diaz, Katya Santos, Kean Cipriano at Ms. Jackie Lou Blanco.
Makakasama rin ni Kiko sina Andrew
Muhlach, Bily Villeta, Ivan Padilla, Lester Llansang, Benz Sangalang, Gold
Aceron, at ang anak ng creator ng “Totoy Bato” na si CJ Caparas.
Ipakikilala naman sina Lawrence Dela Cruz, Benedict Lao, Natania Guerrero,
Jeremiah Cruz, Dwayne Bialoglovski at. Stanley Abuloc.

Sa
direksyon ni Albert S. Langitan, kasama sina Zyro Radoc at Ambo Gonzales, ang
“Totoy Bato” ay produced ng MavenPro at Sari Sari Network Inc., sa produksyon
ng Studio Viva at malapit na malapit nang matunghayan sa TV5.