WILLIE REVILLAME, MAPAPANOOD NA SA PRIMETIME NG TV5 SA 2026

Inanunsiyo na ni Kuya Wil, Willie Revillame, sa live stream ng kanyang maagang Pamasko sa kanyang mga taga-suporta na mapapanood na ang WILYONARYO sa primetime ng TV5 simula January 2026.

Dahil dito, minabuti niyang hindi muna ituloy ang unang inanunsiyo na pag-launch sa December 21 upang sa mas malaki at pinagandang studio sa Mandaluyong City na gawin ang pasabog na pagsisimula ng Wilyonaryo.

Gusto rin daw ng TV host na simulan ang programa na may mga studio audience upang makapiling niya muli ang mga lolo at lola, tatay at nanay, na tuloy-tuloy ang suporta sa kanya.

Wala pang ibinigay na date si Kuya Wil pero maaaring bago ang kanyang kaarawan sa January 27 magsimula ang bagong programa kung saan araw-araw may magiging milyonaryo.

Bukod sa TV5, mapapanoood din ang Wilyonaryo sa sariling channel ni Kuya Wil na WilTV sa Channel 10 ng Cignal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *