Mas pinaigting ang excitement ng mga anime fans sa SM City North EDSA sa paghahandog nito ng isang back-to-back Animezing North event ngayong Agosto at Setyembre 2026.
Simula bukas gaganapin na ang Animezing North: One Piece interactive fan setup sa The Block Atrium hanggang Agosto 30, 2026, opisyal namang magsisimula ang Kaiju No. 8 exhibition sa The Annex Atrium mula Agosto 25 hanggang Setyembre 9, 2026.
Back-to-Back Anime Takeover sa SM North EDSA
Ang kakaibang back-to-back setup na ito ay bahagi ng ika-apat na taon ng taunang Animezing North series ng mall, na naglalayong magdala ng mga immersive attractions at opisyal na pop-up stores mula sa mga tanyag na pandaigdigang anime franchises.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon ang mga bisita ng pagkakataong maranasan ang dalawang malaking anime world sa magkaibang atrium ng mall:
- One Piece (The Block Atrium, hanggang Aug 30): Tampok ang Straw Hat Crew photo zones, life-sized character displays, Card Game tutorial booths, at exclusive merchandise pop-up store.
- Kaiju No. 8 (The Annex Atrium, Aug 25 – Sept 9): Maghahatid ng interactive fan experience, mga themed photo setups, at eksklusibong collectibles para sa mga tagahanga ng hit monster-slaying series.
Bahagi ng Award-Winning 2026 Lineup
Ang Animezing North ang umbrella initiative ng SM North EDSA para sa mga opisyal na anime activations sa bansa, na Kamakailan ay pinarangalan ng Bronze Stevie Award for Innovation in Cultural or Community Events sa 2026 Asia-Pacific Stevie Awards sa Macau.
Kasunod ng Solo Leveling noong Hulyo at ng kasalukuyang back-to-back events ng One Piece at Kaiju No. 8, nakatakdang magtapos ang buong 2026 season sa isang grand Pokémon holiday experience ngayong darating na Disyembre 2026.
