Opisyal nang inihayag ang pagkakaroon ng television anime adaptation ng fantasy romantic-comedy series na “My Sword Saint Master Is Too Cute to Live With!” (Dōkyo Shiteiru Kensei no Onna Shishō ga Kawaisugite Mainichi Shiawase Desu), kasabay ng paglalabas ng unang teaser visual nito.
Unang Silip sa Teaser Visual at Kuwento
Tampok sa inilabas na teaser visual ang pangunahing heroine na si Liza Pulsandra, ang kilalang master swordsman na sentro ng kuwento, na nagpapatunay na pormal nang nagsimula ang produksyon ng serye.
Sinusundan ng kuwento ang batang mandirigma na si Eugene Dawson habang nagno-nobisyo sa ilalim ng maalamat na “Sword Saint” na si Liza Pulsandra. Ngunit sa labas ng pakikipaglaban, ang pagiging kyut, scatterbrained, at malambing na personalidad ni Liza ang nagpapasalimuot sa araw-araw na buhay ni Eugene dahilan upang maging isang nakakatawa at flirty na karanasan ang kaniyang pagsasanay.
Detalye ng Manga at Produksyon
Nagmula ang serye sa panulat ng may-akda na si Kennoji at sa sining ng illustrator na si R_Ringo. Naka-serialize ang manga sa Kadocomi at Niconico Manga sa ilalim ng Web Comic APANTA imprint ng KADOKAWA, habang ang mga kolektadong volume naman nito ay inilalabas sa ilalim ng MFC brand. Ang opisyal na English edition naman nito ay nakalilisensya sa Seven Seas Entertainment.
