‘ONE PIECE’ ACTIVATION SA SM CITY NORTH EDSA, BINUKSAN NA; ‘ONE PIECE RUN,’ MAGLALALAYAG SA SETYEMBRE

Pormal nang dumaong sa SM City North EDSA ang opisyal na One Piece activation sa Pilipinas bilang bahagi ng Animezing North, ang umbrella initiative ng mall para sa mga opisyal na anime attractions sa bansa.

Mula Agosto 18 hanggang 30, 2026, nag-anyong isang immersive One Piece universe ang The Block Atrium kung saan kauna-unahang makikita sa bansa ang mga higanteng inflatable nina Dorry at Brogy—ang mga maalamat na giant warriors mula sa inaabangang Elbaph Arc—pati na rin ang kauna-unahang Thousand Sunny ship inflatable sa bansa.

Tampok na Merch, Freebies, at Chopper Meet-and-Greet

Sa loob ng dalawang linggong kaganapan, makakakuha ng libreng Chopper paper hat ang mga bisitang maglilibot sa venue. Nagbukas din ang mga opisyal na merchandise booths mula sa mga kilalang brand tulad ng Toy Kingdom, Miniso, GeekPH, Oxygen, Careline, National Bookstore, Filbars, SM Store, Funko, at Coolectzone. Ang mga tagahangang makakaimpok ng kabuuang ₱3,500 halaga ng resibo mula sa mga bibiling One Piece merchandise ay makakapag-uwi ng limited-edition One Piece tote bag.

Bukod dito, magkakaroon din ng bihirang pagkakataon ang mga fans na makatagpo nang personal ang paboritong reindeer na si Tony Tony Chopper sa pamamagitan ng exclusive Meet-and-Greet sessions sa Agosto 21 hanggang 24 at Agosto 28 hanggang 30.

One Piece Run sa SM Mall of Asia

Hindi nagtatapos sa Quezon City ang adventure dahil opisyal nang inanunsyo ng RunRio na maglalagay ng layag ang One Piece Run ngayong Setyembre 26, 2026, sa SM Mall of Asia Complex. Maaaring pumili ang mga kalahok sa mga kategoryang 1K, 3K, 5K, at 10K distance.

Ang mga rehistradong runners ay makakatanggap ng eksklusibong Race Kit na naglalaman ng opisyal na One Piece shirt, commemorative race bib, at pirate-themed bandana. Pagtawid naman sa finish line, mag-uuwi ang mga finishers ng One Piece tote bag, towel, at isang spinning finisher’s medal, bukod pa sa mga opisyal na race-day merchandise tulad ng mga iconic straw hat at hoodies na mabibili onsite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *