Nagniningningang Kapatid stars at mas maraming exciting collaborations with ABS-CBN Studios means more reasons upang tumutok sa telebisyon ngayong Pasko.
For the first time ever, makikisaya at magpapasiklab ang Kapatid artists kasama ang mga Kapamilya stars sa SHARE THE BLESSING NGAYONG PASKO: The 2026 Christmas Special, happening on December 1, 5:00 PM, at the Araneta Coliseum.

Makikipagsabayan sa mga bituin ng Star Magic ang Kapatid artists, Vibe+ jocks, at STAR WORX talents sa pamamagitan ng iba’t ibang special collaborations na manghaharana, magpapabirit, at magpapahataw sa mga manonood. Kabilang dito sina Enrique Gil, Iñigo Pascual, Dylan Menor, Cedrick Juan, Gigi De Lana, Joao Constancia, Ryle Santiago, ang STAR WORX Divas na sina Carmela Lorzano, Gianna Huelgas, Selina Griffin, at Kaitlyn King, at iba pang STAR WORX talents.

Bukod sa trending OPM hits at Christmas classics, may kilig duets pa ang rising love teams ng TV5 – sina Mark Ian Garcia at Queenay Mercado, and Amo Wilding at Nathalie Apollo – and mga OG from Mommy Guard na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin and Dominic Ochoa at Roxanne Guinoo.
Hindi rin dapat palampasin ang exciting na medley ng dalawang Christmas IDs, ang “Tara sa Paskong Kapatid” ng TV5 at “Share The Blessing Ngayong Pasko” ng ABS-CBN Studios. Ito ang magsisilbing big finale tampok ang mga Kapatid and Kapamilya stars.
Co-produced by ABS-CBN Studios and TV5 Entertainment, ang 2026 Christmas special ay isang selebrasyon ng pagkakaisa at pagbibigayan ng dalawang network upang mas mapasaya ang loyal Kapatid at Kapamilya viewers ngayong Kapaskuhan.
Pwede pang humabol! Mabibili ang tickets para sa “Share The Blessing Ngayong Pasko: The 2026 Christmas Special” sa ticketnet.com.ph.
Mapapanood din ito bilang two-part television special sa Weekend Trip block ng TV5 on December 12 at 19, 8:30 PM.
Ngayong Pasko, sama-sama nating ipagdiwang ang talento, diwa ng pagbibigayan, at natatanging kapatiran.
Tara sa Paskong Kapatid!
