ANALOG SHUTDOWN SA MEGA MANILA, IUUSAD NG NTC SA ENERO 15

Muling iuurong ang nakatakdang Analog TV Shutdown sa Mega Manila sa January 15, 2027.

Ayon sa Memorandum Order na inilabas ng National Telecommunications Commision (NTC), ito ay upang mas paigtingin at patagalin pa ang kampanya para hikayatin ang publiko, partikular ang mga aktibo pang gumagamit ng analog signals, na lumipat na sa Digital TV, at para na rin sa mas maayos na transition mula sa analog broadcasting.

Dahil dito, tuloy pa rin ang pagsasahimpapawid ng Analog Signal sa mga TV Stations sa Mega Manila hanggang January 15, 2027 at pagpapatuloy ng kampanya sa Analog Shutdown Advisory ng mga TV Stations.

Ito na ang ika-apat na beses na ini-urong ang araw ng Analog Shutdown sa Mega Manila na sakop ang Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, Rizal, Laguna, Cavite at Batangas. Una itong ipinlano noong December 31, 2015, na naging December 31, 2023, at November 22, 2026.

Matatandaan na humiling ang media giant na GMA Network sa NTC na muling i-extend ang Analog Shutdown sa Mega Manila dahil ayon sa Gozon-led Tv giant, may 20% pa ng mga kabahayan sa nasabing lugar ang hindi pa nakakalipat sa digital signal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *