Tinanggal ng anime distributor na Ani-One ang Summer 2026 comedy anime series na Chainsmoker Cat (Yani Neko) mula sa lahat ng YouTube channels nito, kabilang ang Ani-One Philippines.
Kumpirmado ang naturang hakbang sa pamamagitan ng isang opisyal na “Program Change Announcement” na inilabas sa mga digital platforms ng Ani-One.
Mga Detalye ng Anunsyo at Regulatory Compliance
Hindi na mapapanood ang Chainsmoker Cat sa kahit anong Ani-One YouTube channel sa buong mundo. Isinaad ng Ani-One na ang pagtanggal sa serye ay upang tumima sa mga lokal na regulasyon ng pamahalaan. Humingi rin ng paumanhin ang pamunuan sa kanilang mga subscribers at nagpasalamat sa patuloy na suporta ng mga manonood.
Ang pagtanggal sa serye ay kasunod ng paghihigpit sa mga regulasyon sa Asya. Naglabas ng babala ang Department of Health ng Hong Kong na ang nasabing anime na ginawa ng Bibury Animation Studios ay lumalabag sa Smoking (Public Health) Ordinance dahil sa tuwirang pagpapakita ng mga produktong tabako at mga brand names nito. Itinuring ito ng mga awtoridad bilang ipinagbabawal na tobacco advertising. Dahil dito, nagdesisyon ang parent company na MediaLink na tanggalin ang serye sa buong mundo upang sumunod sa mga batas sa pagsasahimpapawid sa lahat ng teritoryo.
