ABS-CBN, NAKATAKDANG IPALABAS ANG TAGALOG-DUBBED VERSION NG ‘CRAYON SHIN-CHAN’

Nakuha ng ABS-CBN ang opisyal na karapatan upang i-dub sa wikang Filipino at ipalabas sa bansa ang tanyag na classic anime na Crayon Shin-chan, ayon sa inilabas na anunsyo ng anime distribution company na Muse Asia.

Isininaad ng Muse Asia sa isang post sa Facebook na ipagkakaloob sa ABS-CBN ang mga kabanata 789 hanggang 809 ng naturang anime na lalapatan ng Tagalog dub. Inaasahang magsisimula ang pagpapalabas ng mga ito ngayong darating na Setyembre.

Sa kabila nito, hindi pa nililinaw ng Muse Asia kung ang Crayon Shin-chan ay ipapalabas sa free-to-air at pay TV platforms ng ABS-CBN, sa kanilang OTT streaming service, o magkasabay na lalabas sa parehong platporma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *