ANIME FILM NA ‘WHOEVER STEALS THIS BOOK,’ NAKATAKDANG IPALABAS SA MGA SINEHAN SA PILIPINAS

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang anime film na Whoever Steals This Book (Kono Hon wo Nusumu Mono wa), kasunod ng debut nito sa Timog-Silangang Asya na magsisimula sa Indonesia ngayong Setyembre 4, 2026.

Inaasahang iaanunsyo ng mga lokal na distribution partners ang opisyal na petsa ng pagpapalabas sa bansa sa mga darating na araw. Bukod sa Pilipinas at Indonesia, nakatakda rin itong ipalabas sa mga sinehan sa Malaysia at Singapore.

Kwento at mga Boses sa Likod ng Karakter

Hango sa award-winning fantasy novel ni Nowaki Fukamidori, umiikot ang kwento sa high school student na si Mifuyu Mikura na nakatira sa isang bayang nakasentro sa Mikura Hall private library. Nang manakaw ang mga bihirang libro sa silid-aklatan, nagdulot ito ng isang “Book Curse” na nagpabago sa buong bayan upang maging mga gumagalaw na mundo ng kwento. Upang mabuwag ang sumpa, kailangang mahuli ni Mifuyu ang magnanakaw sa tulong ng misteryosong si Mashiro.

Pinangunahan ni Rin Kataoka ang pagbibigay-boses sa pangunahing karakter na si Mifuyu Mikura, habang si Sora Tamaki naman ang nagboses sa karakter ni Mashiro.

Mga Kilalang Pangalan sa Produksyon

Pinamamahalaan ang pelikula ng direktor na si Daisei Fukuoka (Radiant), habang ang screenplay naman ay isinulat ni Yasuhiro Nakanishi (Kaguya-sama: Love is War).

Hawak ni Keiko Kurosawa ang character designs, samantalang ang musika ay nilikha ng tanyag na composer na si Michiru Oshima. Ang animation ng pelikula ay ginawa ng Kagokan (Kagome Company) sa ilalim ng Kadokawa Animation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *