Nagsimula na ang kauna-unahang opisyal na Kaiju No. 8 activation sa Pilipinas matapos pormal na ilunsad ng SM North EDSA, sa pakikipagtulungan sa Medialink, ang Animezing North: Kaiju No. 8 na magpapatuloy mula Agosto 25 hanggang Setyembre 9, 2026, sa The Annex Atrium.
Defense Force Tactical Hub at Interactive Zones
Ginawang isang full-scale Defense Force tactical hub ang venue kung saan maaaring pasukin ng mga bisita ang mundo ni Kafka Hibino at ng 3rd Division. Tampok dito ang iba’t ibang interactive zones at life-sized character photo spots na idinisenyo upang iparamdam sa mga tagahanga na bahagi sila ng Anti-Kaiju Defense Force squad. Libre at bukas para sa buong publiko ang naturang kaganapan.
Bukod sa mga interactive attractions, maaari ring makabili ang mga mallgoers ng mga opisyal na lisensyadong merchandise mula sa mga kilalang featured brands tulad ng Geek PH at National Book Store.
Signature ‘Animezing North’ Campaign
Ang Kaiju No. 8 activation ang pinakabagong karanasang inihahandog sa ilalim ng Animezing North campaign, ang signature umbrella program ng SM North EDSA na nakatuon sa pagpapakilala ng mga sikat na anime titles sa bansa sa pamamagitan ng mga authentic activations, themed attractions, at limited-edition pop-ups.
