‘DETECTIVE CONAN: FALLEN ANGEL OF THE HIGHWAY,’ IPAPALABAS NA SA SM CINEMA NGAYONG SETYEMBRE

Inanunsyo ng anime distributor na ODEX Private Limited na opisyal nang lalabas sa mga lokal na sinehan sa bansa ngayong Setyembre ang Detective Conan: Fallen Angel of the Highway, ang ika-29 na pelikula sa tanyag na franchise.

Petsa ng Fan Screening at Nationwide Release

Magsisimula ang pagpapalabas ng pelikula sa pamamagitan ng isang exclusive fan screening sa SM Mall of Asia sa Setyembre 5, 2026, kung saan makakatanggap ng mga eksklusibong merchandise bundle ang mga bibili ng tiket. Kasunod nito, opisyal namang magsisimula ang nationwide release ng pelikula sa iba’t ibang sangay ng SM Cinema sa buong bansa sa Setyembre 9.

Kwento at mga Tampok na Karakter

Sa ilalim ng direksyon ni Takahiro Hasui at panulat ni Takahiro Ōkura, ang bagong installment sa Detective Conan series ni Gosho Aoyama ay kumita na ng mahigit 13.6 bilyong yen sa Hapon.

Nakatutok ang kwento sa gitna ng Kanagawa Motorcycle Festival, kung saan maiipit sina Conan Edogawa, Ran Mōri, at Masumi Sera sa isang mabilis na misteryo na kinasasangkutan ng “Black Motorcycle” na kilala bilang “Lucifer.” Mabibigyang-diin din sa pelikula si Chihaya Hagiwara (na binigyang-boses ni Miyuki Sawashiro), si inspector Jugo Yokomizo, pati na rin ang mga alaala nina officers Kenji Hagiwara at Jinpei Matsuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *