LOCAL J-IDOL NA SI CESS, MAGSASAGAWA NG ONLINE FUNDRAISING PARA SA KANIYANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO

Magsasagawa ng isang online fundraiser ang lokal na J-pop idol na si Cess na pinamagatang “College Graduation Journey 2026” upang ipagdiwang ang kaniyang nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo ngayong Agosto 28, 2026.

Detalye ng Livestream at Fundraiser

Ipapalabas ang apat na oras na livestream event sa pamamagitan ng Facebook Live at TikTok Live mula 2:00 PM hanggang 6:00 PM.

Target ng fundraiser na makalikom ng ₱15,000 upang makatulong sa kaniyang mga gastusin sa pagtatapos. Maaaring magpaabot ng tulong ang kaniyang mga tagasuporta sa pamamagitan ng GoTyme Bank (Merleen Grace Billones) gamit ang InstaPay QR, o sa pamamagitan ng PayPal (paypal.me/himeneko2003) para sa mga international supporters.

Pagbabalik-Entablado at mga Susunod na Shows

Si Cess ay kilala sa lokal na J-idol scene bilang isang solo performer at miyembro ng idol group na Hoshizora. Matapos ang pansamantalang pagpapahinga sa mga live performance upang magtuon sa kaniyang pag-aaral sa unibersidad, sinimulan niya ang kaniyang pagbabalik sa entablado noong Mayo 2026 sa LIWANARI concert ng UP Tomo-Kai.

Kasunod ng kaniyang graduation fundraiser, nakatakdang magtanghal nang solo si Cess sa Pinoy Otaku Festival 2026: Kaiko sa Setyembre 5 sa Robinsons Novaliches, bago muling makasama ang Hoshizora sa MikuFes PH sa Setyembre 6 sa Bayanihan Center, Pasig City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *