‘BLUE LOCK’ LIVE-ACTION FILM, IPINAPALABAS NA SA PILING SM CINEMA BRANCHES SA BUONG BANSA

Mapapanood na sa sa buong bansa ang opisyal na live-action film adaptation ng tanyag na manga at anime series na Blue Lock, na pormal na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules, Agosto 12, 2026.

Eksklusibong ipinapalabas sa mga piling sangay ng SM Cinema sa buong Pilipinas, ang pelikula na may habang dalawang oras at walong minuto (2 hours and 8 minutes) ay nagtatampok sa sikat na kuwentong nilikha ni Muneyuki Kaneshiro at inilustra ni Yusuke Nomura. Nabigyan din ng Parental Guidance (PG) rating ang naturang live-action spectacle.

High-Stakes Striker Battles at ang ‘Blue Lock’ Facility

Nangunguna sa hanay ng mga pangunahing aktor na bumubuo sa pelikula sina Joey Iwanaga, Fumiya Takahashi, at Masataka Kubota.

Umiikot ang kuwento sa 300 piling high school soccer players na inimbita sa isang rebolusyonaryo at tila kulungang training facility na tinatawag na “Blue Lock.” Sa ilalim ng pamamahala ng misteryosong si Jinpachi Ego, sasailalim ang mga manlalaro sa matinding physical at psychological trials upang linangin ang ultimate egoistic striker para sa Japan National Team—kung saan ang sinumang matatanggal ay habambuhay nang ipagbabawal na kumatawan sa kanilang bansa.

Mga Mapapanood na SM Cinema Branches Nationwide

Maaaring mapanood ng mga Pinoy anime at sports drama fans ang pelikula sa iba’t ibang piling SM Cinema branches sa buong Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa Metro Manila, palabas ito sa SM Aura Premier, SM City North EDSA, SM City Fairview, SM City Grand Central, SM City San Mateo, S Maison sa Pasay, SM Center Muntinlupa, SM Center Sangandaan sa Caloocan, SM City BF Parañaque, SM City Bicutan, at SM City Caloocan.

Para sa mga manonood sa ibang bahagi ng Luzon, available ang pelikula sa SM City Baguio, SM City Legazpi, SM City Tarlac, SM City Tanza, SM City Bataan, SM City Batangas, SM City Cabanatuan, SM City Calamba, SM City Cauayan, SM City Clark, SM City Baliwag, SM Center Angono, at SM Center Tuguegarao Downtown.

Samantala sa Visayas at Mindanao, mapapanood din ang labanan sa SM City Bacolod, SM Center Ormoc, SM CDO Downtown Premier sa Cagayan De Oro, at SM City Butuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *