KLASIKONG ANIME NA ‘DOG OF FLANDERS: THE MOVIE,’ MAGKAKAROON NG OFFICIAL 4K RESTORATION RELEASE

Inihayag ng klasikong anime distributor na AnimEigo ang nakatakdang paglabas ng 4K-restored Blu-ray edition ng sikat na 1997 animated film na Dog of Flanders: The Movie, na inaasahang opisyal na ilulunsad sa huling bahagi ng taong 2027.

Layunin ng panibagong high-definition release na muling ihain ang emosyonal at klasikong kwento sa pinakamagandang visual presentation para sa mga physical media collectors at anime enthusiasts.

Kumpirmado ng AnimEigo na kabilang sa Blu-ray disc ang uncut original Japanese version na may English subtitles at orihinal na Japanese voice cast, pati na rin ang nostalgic na Pioneer English-dubbed version kung saan boses ng veteran actor na si Robert Loggia ang karakter ni Lolo Jehan Daas. Parehong lapatan ng full 4K restoration process ang dalawang bersyon upang matiyak ang mataas na kalidad ng imahe at tunog.

Isang Walang-Kupas na Kwento ng Pagmamahal at Pangarap

Mula sa produksyon ng Nippon Animation, ang pelikula ay hango sa sikat na 1872 nobela ng may-akdang si Ouida na nakabase sa 19th-century Belgium. Inilalahad nito ang buhay ni Nello, isang ulilang bata na sa kabila ng matinding kahirapan ay hindi binitawan ang kaniyang pangarap na maging isang mahusay na pintor tulad ng kaniyang idolo na si Peter Paul Rubens. Sa gitna ng mga pagsubok, naging katuwang niya ang kaniyang lolo Jehan, ang tapat na asong si Patrasche, at ang kaniyang matalik na kaibigang si Alois.

Matapos ang mga nakalipas na limitadong release sa DVD sa North America sa ilalim ng Pioneer Entertainment at Right Stuf/Nozomi, ang nakatakdang 2027 Blu-ray edition mula sa AnimEigo ang itinuturing na definitive archival release ng nasabing pelikula.

Nagtataglay ng espesyal na lugar sa puso ng mga Pilipino ang anunsyong ito, dahil ang Dog of Flanders at ang buong World Masterpiece Theater franchise ay naging malaking bahagi ng pagkabata ng maraming henerasyon sa bansa.

Sikat na napanoood sa lokal na telebisyon sa pamamagitan ng mga Tagalog-dubbed broadcasts gaya ng Ang Munting Pangarap ni Nello, ang nakalulungkot ngunit nakaiinsspirang kwento nina Nello at Patrasche ay nananatiling isa sa pinakakilala at pinakainiingatang anime classic sa kasaysayan ng Philippine pop culture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *